Psalms 130

Pagtitiwala sa Panginoon sa Oras ng Paghihirap

1 Panginoon, sa labis kong paghihirap akoʼy tumatawag sa inyo.
2Dinggin nʼyo po ang aking pagsusumamo.
3Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan,
sino kaya sa amin ang matitira sa inyong presensya?
matitira sa inyong presensya: o, makakatakas sa kaparusahan.

4Ngunit pinapatawad nʼyo kami, upang matuto kaming gumalang sa inyo.
5 Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,
at umaasa sa inyong mga salita.
6Naghihintay ako sa inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga.

7Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon,
dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.
8Siya ang magliligtas sa inyo sa lahat ng inyong mga kasalanan.
Copyright information for TglASD